Advertisers

Advertisers

Nahilo mga DDS kay Ramil Madriaga

0 19

Advertisers

UMIIKOT ngayon ang tumbong ng mga DDS kung paano sirain ang mga isinalaysay ni Ramil Madriaga sa impeachment “mini-trial” ng House Justice Committee last Monday, April 14.

Malinaw pa sa sikat ng araw ang mga detalyeng inilatag ni Madriaga sa komite. Lahat ng tinanong sa kanya ng mga miembro ng komite ay detalyado niyang nasasagot nang walang script o listahan.

Mula sa confidential, dummy bank accounts, mga plano ni Duterte para mapatalsik si Presidente Bongbong Marcos ay dinetalye ni Madriaga nang walang kakaba-kaba.

Aniya, mali ang mga balita na 11 araw nilustay ni VP Sara ang kanyang confidential funds noong kalihim ito ng Department of Education (DepED).

Say ni Madriaga, siya ang nag-distribute ng pera para sa operasyon. Tinapos n’ya raw ito sa loob ng 24 oras, hindi 11 araw.

Ginawa rin daw siyang daluyan ng pera ni Duterte mula sa iligal – POGO at droga. Oo! Pina-open daw siya ng bank account para maging bagsakan ng pera ng Duterte.

Bago ibinalik sa kulangan sa Camp Bagong Diwa, nagsumite ng sinumpaang waiver si Madriaga para mabukasan ang naturang bank account, para malaman kung kani-kanino nanggaling ang milyones na pumasok sa naturang dummy bank account noon.

Noong 2025, plano raw ng Duterte patalsikin si PBBM sa pamamagitan ng impeachment, people power, o paglason kung ‘di masunod ang umano’y pinagkasunduang “term sharing” nila ni Sara.

Bago ang 2022 presidential election, sabi ni Madriaga, pinili ni noo’y outgoing President Rody Duterte si Sara kesa kina Pulong at Baste para maging ka-tandem ni Bongbong.

Sinabi ni Madriaga na ayaw ni Digong kay Pulong dahil “baliw” ito, habang si Baste naman daw ay “bakla”. Ha ha ha!!!

Isinalaysay din ni Madriaga ang personal na pag-deliver niya ng pera kay noo’y Ombudsman Samuel Martirez at sa mga opisyal ng Vice Presidential Security Group (VPSG).

Ang tungkol sa pag-deliver ng pera sa dalawang opisyal ng VPSG ay tumugma sa mga naunang imbestigasyon ng Kamara tungkol sa maling paggamit sa confidential funds ni VP Sara.

Ang mga isiniwalat na ito ni Madriaga ay nagpatahimik sa DDS. At ang tanging nasabi ng ilang mambabatas at abogado na yumaman kay Duterte ay “puros salita lang si Madriaga, walang ebidensiya.”

Pero ang ebidensiya ay siguradong lalabas sa pagpapatuloy ng impeachment mini-trial.

Ang sunod na isasalang na testigo ay si dating Senador Antonio Trillanes, ang mortal enemy ng Duterte; at si Ombudsman Boying Remulla.

Si Trillanes ang nagbunyag sa joint bank accounts ng mag-aamang Duterte, na umano’y kumamal ng bilyones mula sa POGO at droga.

Sa pagharap ni Trillanes sa komite, malamang hingin ng Kamara sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang bank history ng mag-aamang Duterte para nakita kung may katotohanan ang mga akusasyon ng dating senador.

Si Trillanes ang isa sa mga nagdemanda kay ex-Pres. Duterte sa International Criminal Court (ICC).

Higit isang taon nang nakakulong ang matandang Duterte sa The Hague, Netherlands sa kasong ‘Crimes against humanity’.

Balikan natin ang impeachment vs VP Sara. May palagay ako na kapag napatalsik si Sara ay si Baste ang tatakbong pangulo sa 2028. Wanna bet?