Advertisers

Advertisers

KOJC member ‘guilty’ sa highway blockade sa operasyon vs Quiboloy

0 10

Advertisers

‘GUILTY’ ang hatol ng Quezon City court sa isang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa paglabag sa Public Assembly Act kaugnay ng highway blockade noong 2024, sa operasyon ng pulisya laban kay Apollo Quiboloy.
Sa desisyon ng Metropolitan Trial Court Branch 39 na ibinahagi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III, hinatulan si Eduardo Corda ng pagkakakulong mula isang buwan at isang araw hanggang anim na buwan.
“Hindi ito selebrasyon. Hindi ito paghihiganti. Ito ay simpleng paalala: Ang batas ay batas,” ani Torre sa isang social media post nitong Biyernes.
Giit niya, ipinapakita ng desisyon na may pananagutan ang sinuman, anuman ang impluwensiya o katayuan sa lipunan.
“At ito ang dapat maintindihan ng lahat: Kung ang ordinaryong mamamayan kailangang sumunod sa batas, mas lalo ang mga makapangyarihan. Hindi tayo aasenso kung ang mali ay pinapalampas dahil lang maingay ang gumawa.”
Nagsilbi si Torre bilang Davao regional police chief noong 2024 nang mangyari ang insidente, kungsaan hinarang ng KOJC members sa mga awtoridad na magsisilbi ng warrant of arrest laban kay Quiboloy.