Advertisers

Advertisers

Magkasintahang ikakasal brutal na pinatay

0 13

Advertisers

BRUTAL na pinatay ang magkasintahan sa loob mismo ng kanilang tahanan sa Purok Malipayon, Barangay Moloy, gabi ng Abril 30, 2026.
Kinilala ang mga biktima sa alyas “Nene”, 55 anyos; at ka-live-in na si “Boboy”, 72, parehong residente ng Surallah.
Batay sa paunang imbestigasyon, nagpapahinga ang dalawa nang pasukin ni alyas “Tonton”, 48, isang magsasaka at residente ng Barangay Talahik.
Agad umanong inundayan ng saksak ang mga biktima gamit ang isang bolo.
Dahil sa tinamong maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan, kapwa binawian ng buhay ang magkasintahan sa pinangyarihan ng insidente.
Matapos ang krimen, mabilis na nagsagawa ng operasyon ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT), nagresulta sa pagkakaaresto sa salarin sa Purok Maligaya, Barangay Dajay 12:20 ng umaga ng Mayo 1.
Narekober mula kay Tonton ang bolo na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Sa imbestigasyon, lumabas na dating karelasyon ng babae ang salarin at selos ang pangunahing motibo sa krimen.
Nakatakda sanang ikasal ang magkasintahan sunod na buwan .