Advertisers
Ipinahayag ni Caloocan Mayor Along Malapitan na maaari nang mamili ang mga Batang Kankaloo sa Maypajo Public Market gamit ang mga e-wallet dahil bukod sa available na ang QR code sa mga stall owners, mayroon na rin din ikinabit na libreng Wi-Fi connection.
Ayon kay Malapitan na sa digital payment, makakaasa tayong hassle-free at mas mabilis na ang bawat transaksyon ng mga namimili.
“Salamat po sa GCash at Globe, gayundin sa City Administrator’s Office at City Treasury Department na naging katuwang natin upang maisakatuparan ito,” wika ni Along.
“Asahan niyo pong patuloy nating gagawing moderno ang ating paglilingkod upang mas maging episyente ang mga proseso at transaksyon sa Caloocan,” dagdag pa ni Malapitan.(BR)