Advertisers

Advertisers

Krimen sa Novaliches, ‘di umubra sa QCPD PS 4

0 20

Advertisers

Bunsod ng mahigpit na direktiba at superbisyon ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen Randy Glenn Silvio, walang puwang ang mga kriminal sa Novaliches.

Pinatunayan ito ni Novaliches Police Station 4 sa pamumuno ni PLt. Col. Dave Anthony Capurcos sa isang serye ng mga matatagumpay na operasyon na inilatag ng PS4 sa mga nagdaang araw.

Linisin ang kalsada at protektahan ang bawat pamilyang QCitizen. Ito ang isa sa pangunahing kautusan ni PBG Silvio.

Unahin natin ang nasawatang panloloob sana sa isang pawnshop. Hindi nakalusot ang mala-pelikulang plano ng mga kawatan na dumaan sa manhole at tunnel para looban ang isang pawnshop sa Barangay Nova Proper.

Sa mabilis na aksyon ng PS 4, nabuko ang plano ng mga magnanakaw na nagresulta din sa pagkakakumpiska ng mga gamit na pambutas sa ginawang tunnel papuntang pawnshop, gaya ng hydraulic jacks at grinders.

Nasawata ang krimen bunga din ng pakikiisa at suporta ng komunidad sa kampanysa ng QCPD. Inireport ng isang security guard sa PS4 na mayroon siyang naririnig na ingay mula sa ilalim ng imburnal na ginagawang daan sana ng mga kawatan papuntang pawnshop.

Sa pagkaalerto ng PS4, hindi man nakuha pa ang mga suspek, ay napigilan ng krimen at ligtas ang ari-arian na maaaring matangay sa pawnshop.

Nilumpo din ng PS4 ang pagkakalat ng milyong halaga ng droga sa kalsada. Bilang pagsunod sa pinalakas na anti-illegal drugs campaign, hindi tinantanan ng PS 4 ang mga galamay ng sindikato ng droga. Halos P1 milyon na halaga ng shabu ang nasabat sa loob lamang ng ilang araw – laglag ang mga HVI na sina alias “Lynyrd” at “Bryan” na natiklo sa Brgy. Gulod bitbit ang mahigit P373,000 na shabu.

Winalis din ang street-level – mula kina alias “Suhaimin,” “Jefferson,” at “Bads,” sunud-sunod ang pagbagsak ng mga tulak sa ilalim ng mga *buy-bust operation*.

Hindi rin nakaligtas sa batas at sa kamay na bakal ng PS 4 laban ang mga wanted at armado – nadakip ang top 5 most wanted – si Marco Albia para sa kasong carnapping kung saan isa itong patunay na hindi hihinto ang QCPD hangga’t hindi naibabalik sa kulungan ang mga nagtatago sa batas.

Sa mabilis na pagresponde sa ”E911 call” , nagresulta ito sa pagkakaaresto kay alias “Dave” na nagwawala gamit ang ilegal na baril “sumpak” na kung hindi ito napigilan, tiyak na may buhay na nakitil.

Ang tagumpay na ito ay bunga ng disiplina at dedikasyon na itinatanim ni PBGen Silvio sa bawat operatiba. Ayon sa opisyal, ang pagiging proaktibo at ang pakikipagtulungan ng publiko ang susi para mapanatiling “drug-free” at “crime-free” ang ating mga komunidad.

Lt. Col. Capurcos, sampu ng bumubuo sa Novaliches PS 4, sa ipinakitang ninyong dedikasyon at masiguro ang seguridad ng komunidad – sa gabay at superbisyon ni PBGen. Silvio, masasabing ang bawat taga-Novaliches ay makakatulog nang mahimbing dahil alam nilang may mga “Bantay ng Bayan” na handang rumesponde sa anumang oras.