Advertisers

Advertisers

Daniel Padilla aminadong na-burnout din sa dami ng raket

0 15

Advertisers

Ni Anne Venancio

Si Daniel Padilla ang bagong mukha ngayon ng Cobra Energy Drink.

Sa isang campaign launch noong Abril 16, sa Marquis Events, pinaliwanag ng aktor ang kanyang pagiging “masculine,” kung saan iginiit niyang nagsisimula ito sa respeto sa kapwa at hindi sa lakas o kakayahang manaig sa iba.

“Yung masculinity, para sa akin, nagsisimula sa respeto sa kapwa. Hindi ito tungkol sa kung sino ang mas malakas o mas magaling. Respeto ay para sa lahat,” sey ni Daniel.

Aminado naman ang aktor na nakararanas siya ng burnout sa kabila ng kanyang sunud-sunod na proyekto kaya mahalaga aniya ang tamang balanse ng oras, trabaho, at pahinga upang mapanatili ang kalusugan at kalidad ng performance.

Ipinakita rin ng aktor ang mas matured na pananaw sa buhay at karera habang patuloy na hinuhubog ang kanyang imahe bilang isa sa mga pangunahing leading men ng kanyang henerasyon sa industriya ng showbiz.