Advertisers

Advertisers

Bullying case sa anak ni Alfred Vargas binasura

0 9

Advertisers

NAGBIGAY ng pahayag ang aktor at Quezon City 5th District Councilor na si Alfred Vargas matapos ang naging desisyon ng piskalya kaugnay ng reklamong inihain ng kanilang pamilya tungkol sa umano’y paulit-ulit na pambu-bully sa kaniyang anak, laban kay Rob Sy, magulang ng anak na inirereklamo.
Matatandaang ibinasura ng Manila Prosecution Office ang reklamo nila laban sa umano’y pambu-bully ng anak ni Rob Sy sa kanilang anak.
Sinabi ni Vargas na bagama’t hindi pa nila natatanggap ang opisyal na kopya ng desisyon, nananatili ang kanilang paggalang sa batas at sa proseso ng hustisya.
“We have been informed about the decision of the prosecutor. While we have yet to receive the official decision, we say with certainty that we respect the law and due process and we will continue to do so regardless of the outcome.”