Advertisers
Arestado ang isang lalaking suspek sa isinagawang entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Women and Children Protection Section (WCPS) katuwang ang Intelligence Unit at Special Weapon and Tactics o SWAT ng Bacoor City Police Station nuon araw ng Sabado May 30, 2026 sa loob ng Bakasyonista Travel Hotel sa Brgy. Habay 2 ng Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang naaresto na si alyas “Jun”, nasa hustong gulang habang ang biktima ay itinago sa alyas na si “Baby” 14 anyos, residente ng Kawit, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya dumulog sa kanilang tanggapan ang biktima kasama ang kanyang ama para ireklamo ang suspek dahil umano sa pananakot nito na ikakalat sa social media ang mga maseselang video ng biktima kapalit ang muling pakikipagkitang sa suspek. Nabatid din sa imbestigasyon na ilan beses na rin pinagsamantalahan ng suspek ang menor de edad na biktima
Dahil dito agad naglatag ng isang entrapment operation ang mga awtoridad laban sa suspek subalit sandaling naantala ang nasabing operasyon matapos na harangan ng ilang empleyado ng hotel ang mga pulis kaya’t muntik ng magahasang muli ng suspek ang biktima.
Matagumpay na nadakip ang suspek na sinubokan pa umanong manlaban sa mga awtoridad kaya’t nagtamo ito ng mga sugat at pasa sa katawan at nakuhanan pa ng isang kalibre 38 na baril na may laman na isang bala at dalawang piraso ng mga basyo ng bala, isang cell phone na naglalaman ng mga maseselang video ng biktima at isang motorsiklo.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong Multiple Counts of Statutory Rape, Grave Threat, Grave Coercion, Attempted Rape in Relation to RA 11648 at Violation of RA 10591 o Illegal Possesion of Firearms na nakakulong na ngayon sa Bacoor City Detention Facility.(Koi Laura)