Advertisers

Advertisers

17-ANYOS NA SEKLISTA, PATAY SA FORD FIESTA SA ANTIPOLO!

0 50

Advertisers

PATAY habang ang 17-anyos na seklista ng tumilapon ito ng limang metro makaraang masapol ng rumaragasang Ford fiesta habang tumatawid sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City.

Sa ulat ng pulisya, kinilala ang nasawi na si alyas “Lance”, studyante at nakatira sa lungsod ng Mandaluyong.

Batay sa imbestigasyon ng awtoridad nangyari ang “road crash” na nauwi sa kamatayan ng biktima dakong 10:10 kagabi sa tapat ng isang subdibisyon sa nabanggit na lugar.

Batay sa ilang saksi sakay ng biktima ng besikleta at 2 nitong kasama ng bigla na lamang umanong tumawid ito sa kahabaan ng Marcos Highway at nahagip ng rumaragasang Ford fiesta na may plakang UOU-271 na minamaneho ni Jayvee Kabigting patungo sa Masinag intersection.

Sa lakas ng pagkakabangga dahil sa may kadiliman sa lugar tumilaponang biktima ng 5 metro.

Agad itong naisugod ng mga rescuer sa Antipolo Annex lV ngunit binawian ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Nakapiit na sa detention cell ng pulisya si Kabigting at nahaharap ito sa kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Edwin Moreno)