Advertisers

Advertisers

“WALA NA SA HULOG” SI PING AT SOTTO

0 9,031

Advertisers

NALANTAD sa madlang pipol ang “balatkayong” pagkatao ni Senator Tito Sotto at Ping Lacson matapos silang patalsikin ng kanilang mga kasamahan sa Senado noong Mayo 11.

Ang pagpapalit ng liderato sa Senado ang “dumiskaril” sa maitim na sabwatan na
isuko” ang ating dignidad at soberenya sa isang ‘International Kangaro Court’ (ICC) sa puwersahang pag-aresto sa kapwa nila senador, si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa.

Sinira rin ng insidente ang mas maitim na sabwatan na “ilibing” ang imbestigasyon sa ‘flood control project scam’ at kanselahin ang eleksyon sa 2028 sa pamamagitan ng pag-amyenda sa ating Saligang Batas.

Kung pulos “wala sa hulog” ang mga argumento nitong si Lacson at Sotto ngayon, hindi sila ‘bitter’ na nawala sa poder. May mas mabibigat na dahilan.

Anila, “mali” na isulong ang pag-amyenda sa ‘Senate Rules’ para sa online attendance ng mga senador dahil “pabor” lang ito kay dela Rosa– at iba pang senador na target ipakulong ng gobyerno.

Opps! Isinulong nila ito noon para paboran si Leila de Lima at para makagawa ng batas noong pandemya. Pero ngayon, hindi na puwede?

Hindi raw dapat magtago si Senator Bato at dapat sumuko? Teka, hindi ba wala ring ginawa si Lacson noon kundi magtago dahil naingusong “utak” sa Dacer-Corbito murder?

Kahit ang lolo ni Tito Sen na si Senator Sotto, matagal din na nagtago sa Hongkong upang hindi madakip sa kasong kidnapping at umuwi lang noong 1914 matapos maayos ang asunto. Ano ang kaibahan nito sa sitwasyon ni Senator Bato?

Ang kaibahan? Hindi korte ng Pilipinas ang gustong magkulong sa kanya at 2019 pa, wala na tayong relasyon sa ICC. Pero dahil ba “kalaban” nila ang akusado, “puwede” na?

Gusto nilang “ilibing” ang flood control investigation? At bakit hindi, samantalang malaki ang panganib (sa kanila) na makumpirma ang detalye kung paano sila nakatanggap ng “maletang biyaya” noong panahon ng kampanya na ibinulgar na ni Zaldy Co at ng ‘Brave 18.’

Kung wala na sa hulog, baka may gusto silang pagtakpan at proteksyunan? Ano sa tingin ninyo, mga kabayan?