Advertisers
By BETH GELENA
Kung kelan maghihiwalay na nang landas ang loveteam nina Donny Pangilinan at Belle Mariano ay saka naman pumatok nang husto ang kanilang pelikula.
Kumita ang Tayo Sa Wakas ng more than P25M sa loob lamang ng unang tatlong araw ng ipalabas ito.
Kaya naman ang DonBelle fans ay tuwang-tuwa at sigaw nila ay huwag daw sanang ituloy ng LT ang kanilang hiwalayan.
Nakatulong ang pag-anunsiyo ng management na titibagin ng ang DonBelle LT kaya pinag-usapan ito sa showbiz world.
Ang TSW, ang pinaka-mature na proyekto ng DonBelle sa pelikula kung saan nakatuon ang kuwento sa relasyon, ambisyon, at mga sakripisyong kaakibat ng pagtupad sa mga pangarap.
Kung magpapatuloy ang momentum nito sa weekend at sa international screenings sa Australia, New Zealand, U.S., Canada, Hong Kong, at iba pang bansa, posible pang lumaki nang husto ang kabuuang kita ng pelikula.
Marami ang umaasam na sana raw ay makapasok ito sa listahan ng pinakamalalaking Filipino box-office hits ng 2026.