Advertisers

Advertisers

Bela rumesbak sa isyu

0 5

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Naging hot topic ng mga tsismosang kapitbahay ang tungkol sa nasagap ng isang beteranong showbiz journalist na si Ogie Diaz sa diumano’y pagkakaroon ng attitude ni Bela Padilla.

Naispluk nito na imbudo raw ang produksyon ng seryeng kinabibilangan nito dahil sa gusto nitong pakialaman ang dayender o cliffhanger ng seryeng “Blood vs.Duty.”

Sa emote kasi ni Bela sa IG, may pagkadimasya ito dahil di na-highlight ang kanyang acting considering na grabe ang naging effort niya.

Ani Mama Oggs, call daw naman ng editor ang nasabing dayender o cliffhanger.

Nabanggit pa nito ang naging isyu ng aktres sa ilang co-stars na nakatrabaho nito tulad nina Baron Geisler.

Dagdag pa niya, nagkaroon din daw ito ng sigalot kina Carlo Aquino, Ria Atayde at maging sa bff nitong si Angelica Panganiban.

Nasilip din ng mga katkatera at sawsawera ang umano’y isyu ni Bela sa kanyang mga kaibigang sina Kim Chiu at Angelica Panganiban ng AngBeKi.

Sa kanya namang IG stories, nagpakawala ang aktres ng series of cryptic art cards hinggil sa mga isyung ipinupukol sa kanya.

Ito ang ilan sa nilalaman ng kanyang nakakaintrigang mga post.

“I’m proud of you for leaving.You made the right choice.”
“No one can defeat the person God chose to win.”
“May God forgive the people who tried to break me”
“Drama at this age is embarrassing… Go make some money and find peace.”
“Everything you do, comes back to you.Be good.Be good.”
Nag-react naman ang mga katekatera sa kanyang posts.
Ito ang ilang hirit ng kibitzers.
“parang totoo ah”
“Go Bela puksain mo ang mga Mosang na nangiintriga sa’yo”
“Sana happy sia ngayon ang daming issues sa kanya”
“Basahin mo daw Kim!”
“Did she mean wala ng AngBeKi”
“Parang totoo yung issue sa angbeki”
“Defensive mode.”