Advertisers

Advertisers

2 star players ng Ateneo nasawi sa ‘training’

0 4

Advertisers

NASAWI ang dalawang kilalang manlalaro ng Ateneo de Manila University men’s basketball team nang malunod sa isinagawang training at team-building activities sa Dipaculao, Aurora nitong Lunes, Hunyo 8.
Ang mga nasawi ay na sina Rene Clert Baterbonia, 19 anyos; at Divine Adili, 21.
Nalunod ang dalawa dahil nilagyan daw ng pabigat ang mga paa at mga kamay ng mga ito.
Si Baterbonia, produkto ng Ateneo de Davao, ay naging Most Valuable Player (MVP) matapos pangunahan ang Davao Region sa gintong medalya sa boys’ basketball ng 2025 Palarong Pambansa sa Ilocos Norte. Kakapasok pa lamang niya sa Ateneo at nakatakdang maglaro para sa Blue Eagles sa UAAP Season 89.
Samantala, si Adili, isang Nigerian player, ay naglaro para sa Ateneo sa UAAP Season 88.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), nangakong magbibigay ng kinakailangang tulong sa mga naulilang pamilya at sa Ateneo community.