Advertisers

Advertisers

41 na nasawi sa lindol sa Mindanao

0 3

Advertisers

UMAKYAT na sa 41 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao, ayon sa Office of Civil Defense.
Sa update 8:00 ng gabi ng Lunes, Hunyo 8, nakatanggap ng OCD ng report ng 33 nasawi sa SOCCSKSARGEN at 4 sa Davao region.
Sinabi naman sa report ng Agence France Presse na may mga nawawala pa, at mayroong 500 nagtamo ng injury.
Ayon kay Rene Punzalan, disaster chief ng Sarangani province sa munisipalidad ng Glan, mayroong 14 nasawi nang matabunan ng landslide ang tirahan ng mga residente.
“The landslide happened immediately after the earthquake, so many lives were lost,” ani Punzalan.
“The greatest challenge is communication. The power was cut, so it’s hard to get updates.”
“We’re worried about aftershocks,” dagdag pa niya.
“We can feel the fear of the residents.”
Tumama ang magnitude 7.8 na lindol Lunes ng umaga, na naramdaman sa malaking bahagi ng Mindanao at nagdulot din ng tsunami.
May mga hinimatay ding estudyante lalo’t ang malakas na lindol natapat sa unang araw ng pagbubukas ng klase.