Advertisers
By Anne Venancio
Aminado si Dennis Padilla na nalungkot siya matapos matanggap ang dokumento na naghain ng petisyon sa korte ang kanyang anak na si Claudia Barretto na baguhin ang kanyang pangalan mula “Claudia Isabelle Barretto Baldivia” tungo sa “Claudia Isabelle Barretto.” Ang Baldivia ay ang legal na apelyido ni Dennis, na ginamit din sa mga anak nila ni Marjorie Barretto.
Kasama ng post ang isang emosyonal na mensahe mula kay Dennis: “Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo, anak… Hindi magbabago ang pagmamahal ko syo Claudia – Papa.”
Sa caption, sinabi rin niya: “Love you Claui… I respect your decision… Malungkot lang talaga.”
Ayon sa petisyon, nakasaad na respondents ang Republic of the Philippines sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General, Local Civil Registrars ng Quezon City at Muntinlupa City, at Philippine Statistics Authority.
Kung aaprubahan ng korte, maaaring maging “Claudia Isabelle Barretto Lorenzo” ang legal na pangalan ng aktres matapos itong ikasal kay Basti Lorenzo noong April 2025.
Matatandaang noong 2014, si Julia Barretto rin ay naghain ng kaparehong petisyon ngunit hindi ito natuloy.
Iginiit naman ni Dennis na nananatili ang kanyang pagmamahal sa anak kahit pa magbago ang apelyido nito.