Advertisers

Advertisers

DILG ikinokonsidera lahat ng mga anggulo para mabilis na maaresto si Sen. Bato

0 4

Advertisers

IKINOKONSIDERA ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang lahat ng anggulo para sa paghahanap kay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

Ayon kay Remulla, lahat ng mga impormasyon ay kanilang kinakalap para agad na maaresto ang Senador na mayroong warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) dahil sa pagkakasangkot sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiniyak din ng Kalihim na walang tigil ang mga otoridad para sa mabilisang pag-aresto sa Senador.



Matatandaang huling nagpakita sa publiko ang Senador noong Mayo 13 sa pagdalo nito sa sesyon hanggang ito ay itinakas umano ni Senador Robin Padilla palabas ng Senado noong Mayo 14.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">