Advertisers

Advertisers

Mayor Vico sa pagkaaresto kay Curlee Discaya: ‘Sana marami pa makulong’

0 4

Advertisers

NAGKOMENTO si Pasig City Mayor Vico Sotto matapos ang pag-aresto ng mga awtoridad sa kontraktor na si Curlee Discaya nitong Lunes, Hunyo 8, 2026.
Matatandaang umaga nitong Lunes, Hunyo 7, 2026, isinilbi ng Philippine National Police (PNP) ang warrant of arrest laban kay Discaya sa kasong ‘malversation’ kaugnay sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan.
Sa naging pahayag ni Sotto sa kaniyang Facebook post, hiniling niyang dapat mas marami pa ang makulong na may koneksyon sa malawakang korapsyon sa bansa.
“Sana mas marami pa ang makulong,” pagsisimula niya.
Ani Sotto, ikinalulugod parin niya, sa kabila ng kani-yang pagkadismaya sa mga nangyayari sa bansa, na may progreso pa rin naman daw na kahit papaanong nagaganap para malabanan ang korapsyon.
“Minsan nakakadismaya na ang mga nangyayari sa ating bansa; iniisip ko nalang na ‘at least’ kahit papaano, may progreso,” aniya.
Dagdag pa niya, “Just 1 year ago, most of us didn’t even know the level of corruption going on.”
Diin ni Sotto, maaari na sina Curlee at asawa nitong si Sarah Discaya ang isa sa mga may pinakamalaking nakubra sa flood control project anomalies, bukod kina Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez at dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
“Pero hindi lang flood control ang pinag-uusapan dito. This is just one example of how evil minds can exploit our broken system,” giit niya.
Pagpapatuloy ni Sotto, ituloy lang sana ng taumbayan ang punahin ang mga korap-syon sa bansa upang tuluyan ding mapilitan ang gobyerno umaksyon para sa mahahalagang usapin.
Siyam na buwan nakadetine sa kustodiya ng Senado si Curlee matapos siyang ipa-contempt noong Setyembre 2025 sa noo’y serye ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
Bago nito, nauna nang ina-resto at naikulong ang misis niyang si Sarah sa Lapu-Lapu City Jail sa Cebu.