Advertisers

Advertisers

MEME VICE HINDI INIWAN SI RYAN SA PANAHON NA LUGMOK ITO

0 4

Advertisers

By Beth Gelena

Todo suporta ang ibinigay ni Vice Ganda sa kanyang anak-anakan na si Ryan Bang.

Hindi niya ito iniwan sa panahong lugmok ang Korean co-host niya sa kanilang noontime show matapos makansela ang kasal nito kay Paola Huyong.

Araw-araw ay binibisita ni Meme Vice si Ryan sa panahong labis itong nasasaktan.

Nahihirapan daw siyang magbigay ng payo sa Korean host dahil wala naman daw siyang personal na karanasan sa naging sitwasyon ni Ryan.

Natutuwa naman siya dahil nanatili sa kanyang tabi ang Korean host, at nakikinig sa kanya.

Hinikayat siyang ituloy ang normal na rutina, lalo na ang pagpasok sa It’s Showtime, upang hindi siya tuluyang malugmok sa lungkot.

Pinayuhan siyang mag-ehersisyo, gaya ng pagtakbo at paglalakad, para makatulong sa pagharap sa negatibong emosyon at pag-iisip.

Pinakiusapan siyang umiwas muna sa social media, dahil maaaring lalo lamang itong magdulot ng sakit at stress habang nagpapagaling siya emosyonal.

Ayon kay Ryan, malaking tulong ang payo ni Vice na ipagpatuloy ang kanyang pang-araw-araw na gawain. Naging bahagi ng kanyang “secret medicine” ang pagtakbo at pag-iwas sa social media upang malampasan ang pinakamadilim na yugto ng kanyang buhay.

Sa vlog, inamin din ni Ryan na hiwalay na sila ni Paola mula pa noong Enero. Sinabi niyang sinubukan niyang ayusin ang relasyon ngunit natuklasan nilang magkaiba sila ng kultura, paniniwala, at pananaw tungkol sa pag-aasawa. Iginiit din niya na bagama’t may mga pagkukulang siya sa relasyon, hindi siya nagloko.

Aminado si Ryan na sa panahong na kanyang na-experience mahalaga raw talaga ang suporta ng pamilya at mga kaibigan sa matinding personal na pagsubok na dumating sa kanyang buhay.

Malaki ang kanyang pasasalamat na sa lahat ng oras ay nasa tabi niya ang kanyang Mommy Vice.