Advertisers
AFTER 10 YEARS nang isagawa ang krimen, pagpatay sa South Korean businessman Jee Ick-joo, naaresto nitong Hunyo 9, 2026, si dating Police Lt. Colonel Rafael Dumlao sa isang bahay sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City.
Mantakin mo, ilang taon nang hinahanap ng batas itong si Dumlao, d’yan lang pala sa Pasong Tamo nagmumukmok. Hehehe…
Grabe kasi ang ginawa nitong si Dumlao, mantakin mong ipadukot niya ang Koreano sa bahay nito sa Angeles, Pampanga October 18, 2016 sa ilalim ng modus “Tokhang-for ransom”. Dinala sa Crame at pinatay noon din, pero nakahingi pa ng limang milyon ransom sa pamilya ng Koreano. Matapos katayin ang biktima ay sinunog at pinaanod sa inidoro ang abo. Karumal-dumal ang kanilang ginawang krimen.
Kudos sa mga operatiba na nakatimbog kay Dumlao, na mayroong patong na P2 milyon sa ulo.
Paldo ang nakapagturo sa kanyang lungga.
***
Speaking of patong, hinihiling sa gobierno ni dating Senador Antonio Trillanes na patungan din ng P20 milyon sa ulo si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, para siguro magkandarapa ang mga may alam kungsaang ilalim ng bato nagtatago ang puganteng senador. Araguy!!!
Si Bato, mayroong arrest warrant mula sa International Criminal court, ay nakapoga Hunyo 14, 2026 ng madaling araw sa Senate costudy ni noo’y Senate President Alan Cayetano, sa tulong ni Sen. Robin Padilla.
Say ni Trillanes, ang malaking reward laban kay Bato ay makatutulong ng malaki para maaresto ito at mailipad sa ICC facility sa The Hague, Netherlands, kungsaan makakasama niya ang kanyang “Tatay Digong” na higit isang taon nang kakulong sa katulad na kasong ‘crimes against humanity’.
Si Bato ang Chief PNP at utak ng “Tokhang” nang mangyari ang mga walang patumanggang pagpaslang sa suspected criminals at ‘di mga kaalyado sa politika ni Digong noong sila ang hari sa Pilipinas.
***
May dalawa pang high-profile criminals na tinatrabaho ngayon ang law enforcement agencies partikukar ng NBI at CIDG, sina gambling tycoon Atong Ang at ex-BuCor Chief Colonel Gerald Bantag.
Si Atong ay may patong na P20m sa ulo. Itinuturo siyang utak sa pagkawala ng higit isandaang sabungero na nandaya raw sa kanyang online sabong noong panahon ni Digong.
Mismong ang mga dating security ni Atong ang kumanta na siya ang nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungeto. Itinapon daw ang mga katawan nito sa Taal Lake, Batangas.
Mahirap hulihin si Atong dahil kinukupkup ito ng mga bigtime sabungeros at mga opisyal na nakinabang sa kanyang online sabong noon.
Samantalang si Bantag ay “utak” sa pagpaslang sa hard-hitting radio commentator at kolumistang si Percy Lapid.
Ibinunyag kasi ni Lapid ang biglang yaman ni Bantag simula nang maging director-general ng BuCor sa ilalim ng nakaraang Duterte administration.
Dyan lang daw sa kabundukan ng Kalinga nagtatago si Bantag kungsaan malawak ang kanyang pamilya. May P2 milyon ding nakapatong sa kanyang ulo.
Ang isa pang most wanted ay ang dating kinatawan ng Ako Bicol Parytylist na si Zaldy Co, ang nasa likod daw ng mga kickback at maleta deliveries sa mga mambabatas at ilang opisyal ng gobierno. Nasa ibang bansa ito nagtatago.