Advertisers
CROWD favorite BARANGAY GINEBRA has that special trade mark of the ‘Never Say Die’ spirit, accumulating throngs of fans all over the country manifested by jampacked venues of the top professional league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION much more on their crucial games and championship bids, it’s a fact, undeniably.
Isa po ito sa mga nagpatatag sa PBA na dumaan na sa napakaraming pagsubok pero hindi pa rin natitinag sa top spot ng basketball history. Inspirasyon ito ng mas marami pang patuloy na nagsusulputan at namamayagpag na mga liga ng basketball na top sport nating mga Pinoy.
Sa dinamirami ng veteran cagers at multi-awarded na caging icons ng bansa, sino naman sa Bayang Basketbolista ang hindi pamilyar kay LEWIS ALFRED TENORIO aka L.A. TENORIO ng GINEBRA KINGS mula sa SAN MIGUEL CORPORATION?
SI LA TENORIO po ang tinaguriang ‘Iron Man’ ng PBA/GINEBRA SAN MIGUEL, starplayer na isa sa mga haliging nagtampok sa GINS sa 17 taon niyang paglalaro at 744 straight games na humakot ng championship title ang team. Masaya at fulfilling ang GINS sa entrada ng 2023 dahil sa 3RD time na pagkakasikwat ng kampeonato sa PBA Commisssioner’s Cup at paggapi sa matinik na guest team BAY AREA DRAGONS, dagdag pa ang 15th PBA crown sa overall franchise.
Biglang nawala sa paglalaro si TENORIO na sa inakala ng marami ay galing sa injury recently, pero bigla ang announcement ni L.A. na na-diagnose siya with Stage 3 colon cancer kaya hindi na siya nakasali sa recent trainings, practices and games. Inihayag din ni L.A. ang pagsailalim niya sa operasyon at mahabang gamutan sa mga susunod na buwan.
Sa gitna ng matinding laban ngayon ni Team Captain TENORIO, patuloy na bumubuhos ang dasal ng basketball fans pati ng kapwa cagers particular sa teams ng SAN MIGUEL, patuloy ang trending news and various social media posts ng suporta sa kanya, patunay ng special spot and contribution niya sa basketball world. Yes, lift high that ‘Never Say Die’ spirit. GET WELL SOON, L.A. TENORIO.!!!
‘I AM NOT RETIRING YET’ — L.A
AS of writing, hindi pa nati-trace ang cause ng colon cancer na inihayag niya at patuloy itong pinag-aaralan ng attending doctors sa puntong ikinukundisyon ni L.A. ang sarili sa anumang plano ni Lord.
“ I have given not only 17 full years to the PBA but have dedicated my whole life to basketball. I have committed my body and health for the love of the game. It has been my passion and love.
Sadly, there are things beyond one’s control..but with my faith I am lifting everything to God and I believe there is a higher purpose as I go through this part of my life.’ Iniisip po ba nating magreretiro na ng jersey ang batikang point guard? ‘I am not yet retiring from the game I love and with the help of the best doctors in the Philippines and Singapore, I believe I can touch basketball once more and return stronger’.
Sa napakagandang contribution ni L.A. TENORIO sa Philippine Basketball, na hinahangaan, sinusuportahan at nagbibigay-inspirasyon to young and old alike, saludo po kami at kasama sa mga Kaisport na nananalangin para sa kanyang immediate and successful healing. HAPPY READING!