Advertisers

Advertisers

Korean nat’l kulong sa iligal na pagdala ng P9.1m sa NAIA

0 168

Advertisers

SWAK sa kulungan ang isang Korean national nang mabuking sa bitbit na undeclared foreign currency na nagkakahalaga ng US$167,300 (P9.196 milyon) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), ang malaking halaga ng pera ay nakitang nakatago sa isang libro nang dumaan sa pisikal na pagsusuri ang mga bagahe ng pasahero.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad ang Korean traveler na nahaharap sa reklamong kriminal.



Ayon sa BOC, maglalabas ito ng warrant of seizure at detention para sa hindi pinangalanang dayuhan dahil sa paglabag sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) regulations on Cross Border Transfer of Currencies at Customs Modernization and Tariff Act. (JUN FABON/JOCELYN DOMENDEN)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">