Advertisers

Advertisers

Manyakol, huling namboboso sa naliligong bebot

0 443

Advertisers

Kalaboso ang isang lalaki nang mahuli sa akto ng babaeng kanyang binobosohan habang naliligo sa banyo sa lungsod ng Quezon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGEN Nicolas Torre III ang dinakip na si Angelo Dizon, 21 anyos, residente ng Alicia, Isabela.

Ayon kay Batasan Police Station 6 Commander PLTCOL Morgan Aguilar, 9:00 ng gabi nang maganap ang insidente.



Lumalabas na habang naliligo ang biktima na si Krizia Dominique Largo Capanzana nang mapansin nito na mayroong celphone na nakapasok sa butas ng banyo.

Dahil dito, mabilis na lumabas ng banyo ang biktima at nahuli nito sa akto ang suspek sanhi upang humingi ito ng tulong sa kanyang kasama na naging dahilan upang madakip si Dizon.



Nakapiit na ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Unjust Vexation at paglabag sa R.A 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">