Advertisers
Patay ang dalawang lalaki habang nakaligtas ang isa nilang kasama nang mahulog sa septic tank habang naglilinis ng water waste treatment sa Poblacion B. Rosario, Batangas.
Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang dalawang nasawi na sina Dexter Yurong y Tablon, 32 anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Parañaque City; at Joland Daro.
Nakaligtas naman ang kasama nilang si Jonald Garo.
Sa report, nakatanggap ng impormasyon galing sa isang fastfood chain staff ang kapulisan para ipaalam ang pangyayari 3:30 ng hapon nitong Lunes, Marso 20.
Agad namang isinugod si Tablon at Daro sa magkaibang ospital ngunit pareho itong idineklarang dead on arrival ng doktor.
Habang si Garo naman dinala sa isang ospital sa Poblacion D, Rosario, Batangas para sa paunang lunas.
Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari.