Advertisers
Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Martes sa isang pasahero na nasira ang laptop matapos dumaan sa x-ray scanner sa isa sa mga istasyon nito.
“The MRT-3 has already reached out to Ms. Columbres to apologize for the unfortunate incident and the manner by which the on-duty personnel failed to act with more compassion towards her. It is MRT-3’s policy for the employees to extend utmost courtesy and tolerance to all passengers at all times,” sabi ng pamunuan ng MRT-3 sa kanilang inilabas na pahayag.
Iniulat ng pasahero na si Allana Colimbres sa isang Twitter thread na nasira ang kanyang laptop nang kapwa pasahero nito ay walang ingat na inilagay ang gamit nito sa x-ray scanner.
Bukod dito, sinasabing tumanggi ring tumulong ang guwardiya ng istasyon na nagpapakita ng kawalan ng interes sa kanyang sitwasyon.
Matapos pag-aralan ang security footage, nalaman ng pamunuan ng MRT-3 na inilagay ni Columbres ang kanyang laptop nang patayo, taliwas sa pahayag niya sa social media na ito ay pahiga.
Nabanggit din niya na may espasyo na hiwalay sa kanyang mga gamit at sa ibang pasahero.
“Moreover, MRT-3’s x-ray machine operator immediately stopped the x-ray scanner when the jam registered on the monitor, to prevent further pile-up. It was then that Ms. Columbres was able to retrieve her bag,” sabi pa ng MRT-3.
Bukod dito, sinabi ng MRT-3 na mayroon itong mga karatula na nagpapaalala sa mga pasahero ng patakaran sa mga gadget na ang pamunuan nito ay hindi mananagot sa anumang pagkawala o pagkasira.
Gayunman, sinabi rin ng pamunuan ng MRT-3 na gagawa ng mga hakbang upang mapabuti ang pamamahala ng mga empleyado nito sa mga naturang kaso.
“Already, MRT-3’s security provider has been instructed to launch a series of customer service training for all security personnel of the rail line,” saad pa ng pamunuan.
Umapela rin ang MRT-3 sa publiko na maging maingat sa kanilang mga gamit sa paglalakbay.
“MRT-3 appeals to the public to always be mindful of their luggage while inside all MRT-3 premises to prevent any loss or damage,” dagdag pa ng MRT-3. (Jocelyn Domenden)