Advertisers
Nasabat ng mga mga elemento ng Ninoy Aquino Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang mahigit 3 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P28 million sa isang Turkish National na mula sa Dubai sa Ninoy Aquino International Airport, sa Pasay City.
Kinilala ang dayuhan pasahero na si Kemal Ozenir, Turkish national.
Nang dumating ang suspek mula sa Dubai sakay ng Emirate Airline na may flight EK 332 hinarang agad ito ng mga operatiba at isina-ilalaim sa physical examination ang bagahe na nagpositibo sa droga.
Ang nasabing mga cocaine na may timabang na 3,945 grams na nakatago sa 22pcs ng mga mga bath soap na Giorno Bagno at 2 plastic bottle na 1,500 ml. na naglalaman ng liquid cocaine na nagkakahalaga ng P28,858,500 na natuklasan nang isailalalim sa inspection.
Isinailalaim ang suspek sa imbesigasyon at mahaharap ng kasong paglabag sa RA 9165, o Comprehensive Drug Act at RA 10863 o Customs Modernization And Tariff Act (CMTA).(Mark Obleada)