Advertisers

Advertisers

765 hayop sa Maynila, nabakunahan ng anti-rabbies – VM Yul

0 475

Advertisers

UMABOT sa 765 na mga alagang hayop sa kabisera ng bansa nabigyan ng anti-rabies vaccine ng programang “Oplan Alis Rabies” ng Office of the Vice Mayor Yul Servo Nieto ngayong buwan ng Marso.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules mula sa tanggapan ng bise alkalde, nabatid na sinimulan ang programa noong Marso 8 sa Sampaloc, Maynila, kung saan mayroong 250 alagang hayop ang nabakunahan.

Nitong Marso 15, 2023 naman ay 215 alagang hayop ang nabakunahan sa Barangay 454, Sampaloc, Maynila.



Sa pagpapatuloy nitong Miyekules, Marso 22, ay may 300 mga hayop sa Barangay 522 ang naturukan ng anti-rabies vaccine.

Nakatakdang ipagpatuloy ang pagbabakuna sa mga alagang hayop sa Marso 29 ngunit hindi pa tinukoy agad kung saang barangay ito isasagawa.



Nabatid na pamumunuan ito ni Dra. Dianne Nieto, ang officer-in-charge ng ikaapat na distrito ng lungsod at ng VIB-Manila, na buong pusong sumusuporta sa kampanya na tuluyan nang mapuksa ang rabies sa mga alagang aso at pusa sa Maynila.

Maaaring magpabakuna sa nasabing aktibidad ang lahat ng lahi ng hayop, kabilang ang Askal, Shitzu, Doberman, German Shepherd, at Biegel para sa mga aso at Siamese naman para sa mga pusa.



Ang mga residenteng may mga katanungan hinggil sa aktibidad ay dapat makipag-ugnayan kay Joan Basemayor, ang assistant district manager ng District 4, at Mr. RJ Fuentes sa 1721 Quiricada St. cor. Sulu St., Sta. Cruz, Maynila. (ANDI GARCIA)