Advertisers

Advertisers

Mag-utol na paslit ni-rape sa Dasma

0 63

Advertisers

KUMPIRMADONG ginahasa ang magkapatid na paslit na natagpuan sa gitna ng talahiban sa Dasmarinas City, Cavite ilang buwan na ang nakakaraan.

Nadakip naman ang mga suspek na kinilalang sina Aljohn Iso, 21 anyos, construction worker; at Mark Lester Gragasin, 21.

Sa ulat, noong Agosto natagpuan sa masukal na talahiban sa Dasmariñas City ang naghihingalong magkapatid na itinago sa pangalang “Cheenie”, 8 anyos; at “Maria”, 4.



Sa kabila ng matinding hirap na dinanas, nabuhay ang magkapatid na natagpuang nag-aagaw-buhay at walang saplot pang-ibaba .

Sa kuha ng CCTV camera, nakita ang magkapatid na naglalakad at papunta sana sa palengke kungsaan nagtitinda ang kanilang ina.



Kadalasan na may bitbit na dahon ng malunggay ang magkapatid at napapadaan sa lugar na malapit kungsaan nangyari ang karumal-dumal na krimen.

Ayon sa pulisya, isang nangunguha ng kabute ang nakadiskubre sa magkapatid na naghihingalo at agad siyang nagsumbong sa barangay.



Base sa pagsusuri sa ospital, nagtamo ng mga pasa, sugat at bali sa katawan ang mga biktima. May palatandaan din na sinakal ang dalawa, at pinalo ng matigas na bagay sa ulo.
Kumpirmado rin na ginahasa ang magkapatid.

Ang isa sa mga biktima, kinailangang tahiin ang maselang bahagi ng katawan.

Hinala ng mga awtoridad, isinagawa ng suspek ang panghahalay nang inakala niyang patay na ang magkapatid.

Sa tulong ng CCTV camera, nakita ang isang lalaki na nakadamit na puti na pumunta sa direksyon ng talahiban kungsaan nangyari ang krimen.

Nakasunod sa naturang lalaki ang dalawang batang biktima.

Kinalaunan, nakita ang lalaki na lumabas ng talahiban at sumakay sa bisikleta na nakahubad.

Sa tulong ng iba pang kuha ng CCTV, natunton kungsaan nagtatrabaho si Iso na itinuring na suspek sa krimen.

Bagaman inamin ni Iso sa mga pulis na siya ang tumawag sa mga biktima, itinuro naman niya si Gragasin, na siya ang gumawa ng karumal-dumal na krimen.