Advertisers
NASAKOTE ang isa sa mga itinuturong salarin sa pananambang kay Lanao del Sur Governor Mamintal Adiong noong February 2023.
Kinilala ni Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP – CIDG) Director, Major General Romeo Caramat Jr., ang naaresto na si Ameno Amatonding, 52 anyos.
Naaresto si Amatonding ng magkasanib na pwersa ng CIDG Capiz, Marawi at Binalbagan Police sa Barangay Aguisan, Himamaylan, Negros Occidental sa bisa narin ng warrant of arrest sa kasong 19 counts Attempted Murder, 4 counts Murder, at 3 counts Frustrated Murder.
Ayon kay Caramat, positibong kinilala si Amatonding ng isang testigo sa krimen.
Matatandaang inambus ang gobernador noong February 17 sa boundary ng Lanao Del Sur at Bukidnon na nagresulta ng pagkamatay ng tatlong police escorts at ang driver ng nasabing opisyal.