Advertisers

Advertisers

2 tsuper pinaulanan ng bala sa Cavite: 1 kritikal

0 16

Advertisers

KRITIKAL ngayon sa Pagamutan ng Dasmarinas ang dalawang jeepney drivers nang pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa mga kasamahan Martes ng gabi, Janury 2, 2024, sa Barangay San Andres 1, Dasmarinas City, Cavite.

Kinilala ang mga biktima na sina Alex Barrientos at Renel Pineda, kapwa nasa hustong gulang at mga residente ng naturang lungsod.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Julius Balano, ang hepe ng Dasmarinas City Police Station, sa Cavite Police Provincial Office, nagtamo ng tama ng bala sa mukha si Barrientos habang sa katawan si Pineda.



Agad tumakas ang ‘di nakikilalang salarin matapos ang pamamaril.

Nagsasagawa na ng follow up at dragnet operation ang mga awtoridad laban sa salarin. (KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">