Advertisers
Nasawi ang dalawang katao at anim ang sugatan sa salpukan ng pick-up truck at light cargo truck sa bahagi ng highway sa Barangay Buda sa Marilog District sa Davao City nitong gabi ng Martes, October 1, 2024.
Kinilala ang mga nasawi na sina Kristopher Alag at Ruel Aktiva, habang
Sugatan sa naturang aksidente ang mga sakay ng dalawang sasakyan na sina Larry Dela Cruz, Jessy Abando, Ruel Awe at Elmer Siputan at ang driver na light truck na nakilala lamang na Kerwin, lahat ginagamot na sa isang hospital.
Ayon sa mga imbestigador ng Marilog Police Station, nawalan ng preno ang light truck kaya ito lumihis sa kabilang direksyon ng pababang bahagi ng highway at nasapol ang kasalubongi na pick-up truck.