Advertisers

Advertisers

Kelot todas sa ex ng ka-live in

0 9

Advertisers

Nasaei ang isang lalaki nang saksakin ng dating asawa ng kaniyang babaeng kinakasama sa Taytay, Rizal noong Martes ng umaga.

Ayon sa report, nakaupo sa kaniyang tricycle sa harap ng kanilang bahay sa Barangay San Juan ang biktimang si Rommel Loyola Remigio nang dumating ang suspek na si alyas Orly  6:30 ng umaga.

Kinompronta ng salarin ang biktima na humantong sa kanilang mainit na pagsasagutan.



Sa kasagsagan ng pagtatalo, nagbunot ang suspek ng patalim at ilang beses na inundayan ang biktima.

Nagtamo ito ng mga tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at isinugod pa sa Rizal Provincial System Hospital Taytay kung saan siya idineklarang dead on arrival ng doktor.



Tumakas naman ang salarin na ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">