Advertisers

Advertisers

Nasaei ang isang lalaki nang saksakin ng dating asawa ng kaniyang babaeng kinakasama sa Taytay, Rizal noong Martes ng umaga. Ayon sa report, nakaupo sa kaniyang tricycle sa harap ng kanilang bahay sa Barangay San Juan ang biktimang si Rommel Loyola Remigio nang dumating ang suspek na si alyas Orly 6:30 ng umaga. Kinompronta ng salarin ang biktima na humantong sa kanilang mainit na pagsasagutan. Sa kasagsagan ng pagtatalo, nagbunot ang suspek ng patalim at ilang beses na inundayan ang biktima. Nagtamo ito ng mga tama sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at isinugod pa sa Rizal Provincial System Hospital Taytay kung saan siya idineklarang dead on arrival ng doktor. Tumakas naman ang salarin na ngayon ay pinaghahanap pa ng mga awtoridad.

0 15

Advertisers

Nasawi ang isang aktibong miyembro ng PNP-Special Action Force (SAF) na lulan ng motorsiklo makaraang salpukin ng isa pang motorsiklo habang bumabagtas sa kahabaan ng Gen. Aguinaldo Highway, Brgy. Panapaan 2, Bacoor City.

Papasok na sana sa kanyang duty ang biktima na kinilalang si Police Master Sergeant Tito Lacambra Jr., 39-anyos, residente ng Blk 19 Lot 5 Cyber Ville, Santiago, Gen. Trias City, Cavite, nang maaksidente.

Sa ulat, binabagtas ng biktima ang nasabing highway patungong Maynila sakay ng kaniyang motorsiklo nang salpukin ito ng kasalubong na isa ring motorsiklo na minamaneho ng isang alyas Rodolfo, residente ng Palm Grove Village, Buhay na Tubig, Imus City, Cavite at patungo umanong Imus City, Cavite.



Sa lakas ng salpukan, tumilapon ang biktima at sumadsad sa espaltadong kalsada. Nagtamo siya ng mga bali at gasgas sa katawan at matinding pinsala sa ulo.

Naitakbo pa ang naturang pulis sa St. Dominic Hospital and Medical Center subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.



style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">