Advertisers
MAAGANG nag-ikot si Comelec Chair George Erwin Garcia sa Silang Central Elem. School, Cavite at nag monitor sa mga early voting hour na mga Senior Citizen, PWD at pregnant bago ito bumoto. Maaga ding bumoto ang mag aamang Remulla na sina DOJ Secretary Crispin ‘Boying’ Remulla kasama ang 2 anak nito na sina Reelectionist ng 7th District, Cavite Congressman Ping Remulla (marooon shirt) at Gobernatorial aspirant Abeng Remulla sa Tambo Malaki Elementary School Indang, Cavite.
Samantalang sabay sabay namang bumoto ang buong pamilya Revilla sa Panapaan Elementary School sa Bacoor na kinabibilangan nina Senatorial Candidate Bong Revilla, 2nd District Congresswoman Lani Mercado Revilla, Bise Gubernatorial Candidate Ram Revilla at Congressman Bryan Revilla ng Agimat Party List.
Alas 6:36 naman ng umaga ng dumating sa Bayan Luma 1 Elementary School si Senatorial Candidate Ping Lacson upang bumoto.
Kasama naman ni Imus City Mayor Alex Alex A Advincula ang may bahay nito na si Leni Advincula at magkasabay na bumoto habang kasunod naman si 3rd District Congressman AJ Advincula sa Buhay na Tubig Elementary School dakong alas 11:30 ng umaga. (Irine Gascon)