Advertisers
Ni Archie Liao
NAGBAHAGI si Matteo Guidicelli ng litrato nina Kathryn Bernardo at Sarah Geronimo courtesy ng isang netizen sa kanyang X social media account.
Sa picture, marami ang nakapansin na magkamukha sina Kathryn at ang misis ni Matteo.
Katunayan, sa kanilang physical features ay mapagkakamalan mo silang blood sisters.
Nagpahayag naman si Matteo ng excitement na magkaroon ng collab o project ang dalawa.
Ani Matteo:”Would be awesome to see a movie with both of them.”
Ito naman ang samu’t saring reaksyon ng netizens.
“Yes please po seated for this!!?? beke nemen @VIVA_Films @StarCinema”
“why do they actually look like twins”
“Yeah, huhu please wag na patagalin bigyan niyo na ng movie tong dalawang to @StarCinema @VivaArtists_ @starmagicphils”
“Oo yong mag kapatid sana sila. Awat na sa may mga love team love team.. we need heart warming films na may kapupulutan ng aral at inspiration. Yong sobrang realistic.. yong napapanahon.”
“With the right material this is going to be iconic. @JustSarahG and @bernardokath please do a movie together ??”
“Supportive husband talaga”
“Isama si Nadine para Tres Marias. Panganay Middle Child Bunso na puro babae.
” OMG MANIFESTING”
“Same yung nunal nila sa face .hawig talaga sila”
“Parang they have same facial feature Ang galing”
“I second the motion”
“With the right material this is going to be iconic. @JustSarahG and @bernardokath please do a movie together ??”
“@gproductionsph G Prod please make it happen”
***
Sarah Lahbati hiwalay na sa dyowang anak ng pulitiko
ININTRIGA ng kibitzers na hiwalay na umano si Sarah Lahbati sa rumored dyowa na anak ng isang kilalang pulitiko.
May nag-ispluk kasi noon na after ng hiwalayan blues nila ni Richard Gutierrez ay meron daw umaaligid-ligid sa aktres.
Pero nang makapanayam naman siya tungkol sa kanyang lovelife, kaugnay ng show niya sa isang network, idinenay naman ng aktres that she’s seeing someone.
Pero may mga dudusong hindi kumbinsido na hindi luma-love life si ate.
Blooming kasi ang beauty nito at kung ang glow niya ngayon ang pagbabasehan ay masasabi mong meron talaga siyang inspirasyon na nagpapasaya sa kanya.
Kaya naman, may ilang nawindang nang mag-anunsyo siya sa TikTok na single siya at happy.
Hirit tuloy ng mga nagmamarisol, nagbabu na si Sarah sa kanyang rumored dyowa.
Ito naman ang reaksyon ng mga katkatera at sawsawera sa kanyang pagbibida sa nasabing social media platform na siya ay single.
“Break na sila ni Marty.”
“Single na raw si teh. Open na raw uli siya sa suitors.”
“Baka naman, she’s just being low-key kaya dinedeny niya ang relationship niya with the young Romualdez.”
“Para kasing hindi sila bagay.”
“She says she’s single and ready to mingle.”
“Baka may nakitang red flag si ateng sa guy kaya sila nag-split.”
“Single. Bakit annulled na ba sila ni Richard? If so, good for her.”
“Sana, she finds a man na mamahalin at seseryosohin siya. She deserves to be happy.”