Advertisers
Kung “very loud & daring” ang pagputak at pag- iingay nitong si Justice Secretary Bondying este Boying Remulla pala sa pagsasapubliko ng kanyang intensyon o obsesyon para maging Ombudsman kahit pa nga sangkaterbang “conflict of interest” nitong kinakaharap maliban pa sa pending cases ng SOJ sa mismong Office of the Ombudsman, wag nating kaligtaan ang isang tahimik ngunit mapanganib na pangalan na kasama sa “shortlist” ng Judicial and Bar Council (JBC) na 17 kandidato para sa posisyong iniwan nang nagretirong Ombudsman Samuel Martires.
Ayon sa batikang political columnist na si Rigoberto “Bobi” Tiglao ng Philippine Daily Inquirer, posibleng “smoke screen” lamang ang mga maiingay na pahayag at paandar nitong si Sec.Boying Remulla patungkol sa interes nito sa bakanteng posisyon ng Ombudsman upang maluwag na maigapang at makapasok via backdoor ang isang kilalang “manok” ni First Lady Liza Araneta Marcos at ng Malacanang na si Atty.Anna Liza G.Logan, kasalukuyang Deputy Executive Secretary for Legal Affairs ng administrasyong Marcos Jr.
Si Logan umano ay paboritong abogado at karnal na “bata- bata” ni FL Liza.
Kung si Boying Remulla ay kilalang “aso” ni Bongbong Marcos at ni Speaker Martin Romualdez, si Atty. Logan naman ay kilalang protege’ ng pamilya Araneta.
Nasa number 10 sa listahan ng JBC shortlist si Atty.Logan samantalang nasa number 14 si Remulla na kataka- takang naibalik sa listahan ng mga kandidato.
Mistulang “double- headed” monster itong sina Remulla at Logan para sa posisyon ng Ombudsman na sadyang “itatanim” upang proteksyunan ang interes,ambisyon at kapritso ng mag- asawang Marcos Jr. at ng mga kamag- anak at kaalyadong pulitiko nito.
Plan B umano ito nina FL Liza Marcos at ni Romualdez para sa tuluyang pagdemolish kay Vice President Sara Duterte upang tuluyang madiskuwalipika ang bise presidente sa pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Dismayado umano si FL Liza at ang pamosong law firm nito, ang Marcos Ochoa,Serapio Tan (MOST) Law Offices sa kabiguan ng Kongreso at ni Speaker Romualdez na ganap na maisulong ang impeachment case laban kay VP Sara makaraang harangin ito ng Senado at tuluyang barilin at ibasura ng Supreme Court (SC).
Sa Plan B,kailangang maiupo ng mga Marcos ang isang Ombudsman na magiging kanilang robot na sunud- sunuran sa dikta ng Malacanang at ng mga Marcos,Araneta at Romualdez.
Kung isa kina Remulla at Logan ang maa- appoint bilang Ombudsman,nakaka-siguro na tayong gagawing “fishing- ground” ang naturang tanggapan para sampahan ng kung anung- ano at gawa- gawang kaso ang bise presidente para ma- disable ang political career ni Vice President Sara Duterte.
Ganyan po kasama ang mga planong inilatag nitong si FL Liza Araneta at Martin Romualdez na pinatutunayan naman ni Senator Imee Marcos na harapang nagsabing deno-domina at sapilitang ginagamit ang kanyang kapatid na Pangulo ni Liza Marcos at Romualdez.
Hostage nga ba si BBM nitong si FL Liza at Speaker Romualdez kaya sunud- sunuran na lang at di makapalag!
Anong alas kaya ang hawak ng dalawang KUPAL na Ito laban kay BBM?
May kinalaman kaya ang issue sa cocaine- use nitong si Marcos Jr. kaya di makaporma sa kanya mismong asawa at pinsan?
O baka naman may mas malalim pa at kahindik- hindik na dahilan?
Ano sa palagay mo outgoing NBI Director Jimmy Santiago sir?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com