Advertisers
Minsan na namang pinatunayan ng Valenzuela City sa kanilang high-quality public service nang masungkit nito ang Grand Champion sa 2025 Oro Inodoro Awards ng Maynilad, nitong November 19, 2025 sa Conrad Manila.
Ibinigay ang pagkilala dahil sa overall quality, cleanliness, and maintenance of the restrooms sa Valenzuela City Hall.
‘The Oro Inodoro Awards’, na dating Golden Kubeta Awards, ay taunang ignagawad ng Maynilad para sa best and most responsibly managed public restrooms.
Ipinakikita dito ang kahalagahan ng accessible, sanitary, at environmentally responsible comfort rooms, higher standards
Bukas ito taon- taon para sa public offices, schools, malls, restaurants, hotels, at transport hubs, kabilang ang special awards sa “Banyo Para sa Lahat” at ang social-media-voted “Banyo ng Bayan”.
Bilang wagi bilang Grand Winner, nanguna ang Valenzuela City Hall mula sa 150 nominees nationwide .
Ito ay panibagong pagpapatunay ng inisyatibo ni Mayor WES Gatchalian na una ang dignidad, at kaginhawahan sa kapaligiran.
Nagpasalamat si Mayor WES Gatchalian at sinabing ang “Oro Inodoro ay mahalaga, equal ang bigat nito kumpara sa ibang parangal na natanggap ng Valenzuela City. Alam po ninyo bakit natin ito pinaghandaan, dahil unang una public spaces are an image of leader and the management. May it be a toilet, pantry, or bodega, it automatically reflects how the leaders manage.”
Ang Valenzuela City’s victory sa 2025 Oro Inodoro Awards ay pagpapatunay ng excellent public service ng lungsod para sa Pamilyang Valenzuelano.(Beth Samson)