Advertisers

Advertisers

Athena Hermiña Jaxx Casas, kampeon sa Palarong Maynila 2025 Chess Competition – Elem. Div.

0 24

Advertisers

Nagbigay ng karangalan sa lungsod ng Maynila ang tatlong mag-aaral nang magwagi sa Palarong Maynila 2025 Chess Competition – Elementary Division, na ginanap noong Nobyembre 19–21, 2025 sa Rosauro Almario Elementary School.



Naging kampeon sa naturang kompitisyon si Athena Hermiña Jaxx A. Casas, 11-anyos, ng Tondo, Manila District 1 at Grade 6 student ng Manuel L. Quezon Elementary School.

Nagwagi si Athena ng Gold Medalist Champion sa Girls Division nang makapagtala ng 5/5 perfect score, at kuwalipikado rin sa NCR Meet.

Kasunod na naghatid ng malaking tagumpay si Cedric D. Pabiana, 11-anyos, ng Tondo, Manila District 2, at Grade 6 student ng Gen. Emiliano Hizon Elementary School.

Pinangaralan si Cedric bilang Gold Medalist Champion sa Boys Division at pasok din bilang NCR Meet Qualifier, na nagbigay-dangal sa kanyang paaralan at komunidad.

Nag-ambag din sa panalo sa talaan ng Maynila si Ayesha Lyonette Mortel, 11-anyos, ng Tondo, Manila District 1, at Grade 6 student ng Emilio Jacinto Elementary School.

Nagwagi si Ayesha ng Silver Medal sa Girls Division at kwalipikado rin sa NCR Meet, na nagpapakita ng husay at determinasyon sa kompetisyon.