Advertisers

Advertisers

Tapos na sina Zaldy Co at Harry Roque

0 14

Advertisers

MASIKIP na ang mundong ginagalawan ngayon ni dating Ako Bicol Partylist at bilyonaryong si Zaldy Co, at ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque.

Ito ay nang mag-isyu ng arrest warrant ang Sandiganbayan laban kay Zaldy Co matapos sampahan ng Plunder case ng Ombudsman kaugnay ng multi-billion flood control projects scandal.

Co-accused dito ni Co bilang mga pangunahing sangkot sa naturang iskandalo ang ilang dating opisyal at engineers ng Department of Public and Highways (DPWH).

Isinilbi na ang arrest warrant ni Co sa mga address nito kahit batid ng mga awtoridad na nasa ibang bansa nagtatago ang dating mambabatas at founder ng isa sa pinakamalaking kontraktor na nakakorner ng bilyones na kontrata sa DPWH.

Ayon sa balita, si Co ay nagtatago raw ngayon sa Japan pagkaling niya sa Amerika kungsaan daw ito nagpagamot.

Sa paglabas ng arrest warrant ni Co, maiisyuhan narin siya ng Interpol red notice, hindi na siya makalalayo pa dahil siguradong madadali siya ng mga international police at immigration authorities na nakabantay sa mga hangganan ng mga bansa.

Ganito rin ang mangyayari kay Harry Roque, na kasalukuyang nagtatago at nag-aaplay ng asylum sa Netherlands.

Kinumpirma ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na hiniling ng gobierno sa Interpol na mag-isyu ng ‘Red Notice’ laban sa matabil na Roque.

Si Roque ay sangkot sa iligal na operasyon ng POGO, Lucky South 99, sa Pampanga at nahaharap sa kasong ‘human trafficking’.

Ang human trafficking ay kasong walang piyansa, tulad ng Plunder na kinakaharap ni Zaldy Co.

Finish na ang dalawang anay na ito sa bansa.

***

Ngayong wanted na sa batas si Zaldy Co, dapat maimbestigahan din ang mga sub contractor niya na mga palpak o substandard at ang iba’y hindi ginawa o tinapos ang proyekto.

Sa Romblon, napakaraming ginawang paglabag ng Sunwest Construction ni Zaldy Co. Tulad ng road openings: gumawa sila ng mga kalsada sa kabukiran na wala namang gamit at hindi nadadaanan. Sinira nila ang bundok, napakaraming puno ang tinumba, at ang lupang binuldos ay hinayaan na lamang dumaloy sa mga sapa, dahilan para mabura ang mga sapa, naging sanhi ng mga grabeng pagbaha sa mga kapatagan at pagkasira ng mga palayan.

Ang Sunwest din ni Zaldy Co ang tumira ng mga flood control sa Romblon. Wala sa standard ang mga ginawa nilang proyektong ito, puros palpak. Talagang tinipid ng todo! Dapat silang managot dito.

Bilyones ang naging kotrata ni Zaldy Co sa Romblon. Kasabwat niya rito si Congressman “Budoy” Madrona, ang lone district representative ng lalawigan.

Si Madrona, ayon sa kontraktor na si Curlee Discaya, ay personal na pumunta sa kanya at nag-alok ng proyekto, tapos kumuha ng kickback, ipinadala raw niya sa tao nito at ang iba ay sa bangko.

Dapat ipatawag din si Madrona sa Senado. Mismo!