Advertisers

Advertisers

Pagsusuot ng facemask, balaclava, iba pang takip sa mukha bawal na sa Maynila

0 22

Advertisers

NAGPATUPAD ng Anti-Balaclava Ordinance ang lokal na pamahalaan ng Maynila na layong higpitan ang seguridad sa mga establisyimento at pangkalahatang lugar sa lungsod.



Sa ilalim ng ordinansa, ba-wal na ang pagsusuot ng balaclava, face mask, hoodies na natatakpan ang mukha, at anumang headgear na hindi nagpapakita ng pagkakakilanlan sa loob ng commercial at government buildings.

Kabilang sa mga ipinagbabawal ang pagsusuot ng helmet o face-coverings sa mga tindahan, palengke, parking area, sidewalk, at iba pang public spaces.

Bawal din ito kapag nakababa o naka-standby ang rider na sakay ng motorsiklo.

Pagmumultahin ang sinumang lalabag sa naturang ordinansa.

Exempted naman ang pagsu-suot ng face masks kapag may public health emergency, may malubhang karamdaman, at hindi rin sakop ng mga regulasyon ang mga nagsusuot ng headgear dahil sa kanilang pananampa-lataya.

Nasa isang libong piso ang multa sa unang paglabag, tatlong libong piso sa ikalawang poaglabag, at limang libo at posibleng 15 araw na pagkakakulong sa ikatlo at mga susunod pang pagwawalang-bahala kasama ang revocation ng lisensiya.(Jocelyn Domenden)