Advertisers
DINAKIP ng mga elemento ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang dean ng unibersidad na kabilang sa mga pangunahin suspek sa pagpapatay sa barangay chairman at kagawad sa Datu Piang, Maguindanao del Sur.
Nakilala ang naaresto sa alias “Sarip”, 33 anyos, dean ng unibersidad sa Datu Piang, at number 8 Regional Most Wanted Person sa Bangsamoro Autonomous Region.
Ayon kay Major General Rober AA Morico, Director CIDG, 2:20 ng hapon nang maaresto ng mga elemento ng CIDG Maguindanao Provincial Field si Sarip sa Barangay Magaslong, Datu Piang.
Inaresto si Sarip sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 counts murder na ipinalabas ng Shariff Aguak Maguindanao court October 11, 2023. Walang piyansa ang kaso.
Sinabi ni Morico, si Sarip ang ikatlo mula sa 22 suspek na naareto. Naunang nadakip sina Brgy. Capt Nasser noong Nov. 5, 2025; at Municipal Councilor Allan noong Oct. 11, 2025.
Ang suspek at 21 iba pang akusado ang nasa likod ng pagsabog ng bomba na itinamin sa daan, na ikinasawi ni Jun “Datumanot” Silongan, kapitan ng Brgy. Pendeten, Datu Salibo, Maguindanao Del Sur; at Brgy. Kagawad Salik Katua habang naglalakad sa isang taniman sa Sitio Patawali, Brgy. Ganta, Sharif Saydona noong August 2023. (Mark Obleada)