Advertisers

Advertisers

BEA BORRES KUKUNING NINANG SA BINYAG NG ANAK ANG BEST FRIEND NA SI ANDREA BRILLANTES; INILUNSAD ANG BAGONG BUSINESS NIYA NA PEABOO BABY

0 24

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SINCE isa na ring ina ang sikat na content creator at aktres na si Bea Borres, ay nagtayo siya ng business para sa mga baby, na pwede rin sa mga adult, na tinawag niyang Peaboo Baby.

Sa grand launch ng nasabing baby brand na ginanap noong Linggo ng gabi, ay present ang best friend ni Bea na si Andrea Brillantes, at ilang kapwa niya content creator.

Ipinaliwanag ni Bea kung bakit Peaboo Baby ang naisip niyang pangalan ng business niya.

Sabi niya,“Iba, pero may nakakuha nu’ng una. So, it was already registered. Ito kasi iyong pinaka… When you play with the baby, it’s parang peek-a-boo. So, Peaboo, and it’s very, very catchy.

“May natutunan din ako noong nag-business school ako. Dapat daw catchy iyong name. So, Peaboo Baby. Di ba ang sarap niya sabihin, Peaboo Baby.

“Pero kasi it came from my baby’s nickname. Kasi she is known as Pea. Nagulat nga ako eh. Lagi sa akin ina-approach nOoa, ‘Where’s Pea? So natuwa na rin ako kasi may recall na agad na, ‘Oh, it’s her baby. And people thought kasi sa invitation may nakalagay na ire-reveal ko si Pea. Pero, I’m sorry, it’s my other baby, si Peaboo,” aniya pa.

Pagdating sa kanyang bagong negosyo, marami raw gustong matutunan si Bea.

“I want to learn how to make the right decisions for my business because I am very indecisive. Gusto ko talaga firm ako na, ‘This is what I want.’ Ayoko ito, huwag iyan,’ ganon.”

Ang pagkakaalam nga namin nung makatanggap kami ng invitation na ang nakasulat ay Mommy Bea’s Baby Reveal, ay iri-reveal/ipapakita na ni Bea ang mukha ng kanyang anak na babae.

Pero ibang baby pala ang iri-reveal niya, ang pangalawa niyang baby. Ito ngang Peaboo Baby.

Sa tanong namin kay Bea, kung may naisip na ba siyang kukuning mga ninong at ninang sa binyag na kanyang anak, ang sagot niya,” Ay oo syempre. Si Blythe (Andrea), unang una. Si ate Ivana (Alawi), Mona (Alawi), ate Zeinab (Harake),”.

“You know what, actually, gusto ko talaga mga babae lang lahat. Kasi women empowerment tapos iyong baby ko girl pa. So, gusto ko Talaga, pero hindi eh. May mga guys and gays, din, pero I’m not complaining.

“Basta mga CEO, mga founder. ‘Yan ang mga gusto ko,” pagdidiin pa niya

“Sorry ha, mapili talaga ako. Totoo naman, sinasabi nila na ang pili ko raw sa ninang. Dapat lang, kasi sila iyong mag-aalaga and magbibigay sa baby ko.

“So, I think we have every right to be choosy kung sino magiging ninang and ninong ng baby,”

Bilang isang nanay, may pagka-strict si Bea.

“Ako, parenting style ko, magugulat kayo kasi ‘di ba I’m so kalog, but nakikita ko na kasi siya sa baby cousin ko. May pagka-strict ako. Gusto ko independent si Pea. And I think it’s going to be easy naman because she’s a girl.”paliwanag pa niya.

“And mas independent iyong girls eh. Ewan ko, napansin ko lang. Like sinasabi ko talaga, ‘no, no.’ I think iyong parents daw, natatakot sila mag-no, pero ako hindi talaga. Mag no-no talaga ako, and I really do.”

Sa March 17 ila-launch ang Peaboo Baby, 11:00am sa TikTok Shop.