Advertisers

Advertisers

Jake Cuenca opisyal ng girlfriend ang modelo at TV host na si Rabiya Mateo

0 6

Advertisers

By Mercy Lejarde

Masayang inamin ng aktor na si Jake Cuenca na opisyal na niyang girlfriend ang modelo at TV host na si Rabiya Mateo sa kaniyang pag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan lang.

Tanong ng King of Talk na si Boy Abunda, “Categorically, oo o hindi. Kayo na ba ni Rabiya?”

Saad ni Jake, “Kami na. That I’m really, really proud to say it. She’s an amazing woman; wonderful woman. Very intelligent.”

Tanong ni Boy, “Paano kayo nagkakilala? Paano kayo nagkita?”

Saad ni Jake, “I’ll admit, I sent her a DM (Direct Message) on social media. Kasi sabi ko, paano magku-cross ang paths namin, like we’re two different networks? She’s always been a crush of mine. Once nung tinapos ko iyong dalawang programa ko, once I was able to finish my responsibilities, I have to shoot my shot. I messaged her.

“Actually, it didn’t start that I DMed her right away. Parang I like viewed her photos first and finollow ko siya. And then nagulat ako, she followed me back. And then our conversation started from there.”

Dagdag na tanong ni Boy, “What is one thing that’s so admirable, so lovable about Rabiya?”

Saad ni Jake, “Her dedication. I think, you know. I always tell her this na in this world of show business na we’re all like wanting to stay; we’re all giving our best and we’re all striving, always doing our best. She’s the person who’s willing to walk away from it and go to medical school. And I find it remarkable.

“She just made it to UST Med School. So for me, I’m very proud of her. Parang i find that, for me, parang contrast na ako sobrang passionate about show business and I’ve been here for 25 years. I find it very refreshing na kaya niyang gawin iyon. And I find it very admirable na dine-dedicate niya sa sarili niya dito na this is going to be long road ‘di ba? And I really find that admirable na parang everybody is trying to look for the fastest way or short cut. She’s gonna do the long way.”

Sa panayam, ikinuwento ni Jake Cuenca ang unforgettable trip nila ng girlfriend niyang si Rabiya sa Hong Kong.

Saad ni Jake, “It was truly an unforgettable trip kasi doon ko siya tinanong to be my girlfriend. We’re dating for three months then finally I asked her to be my girlfriend officially.”

Tanong ni Boy, “Nasaan kayo sa Disneyland when you asked her, ‘will you be my girlfriend?'”

Saad ni Jake, “We just got in in Disneyland and I saw how happy she was. So we took a moment before we went inside and then I asked her to be my girlfriend. And she said, ‘yes!'”

Dagdag na tanong ni Boy, “Anung klaseng boyfriend ka?”

Saad ni Jake, “Me, now, I’m trying to be a responsible boyfriend. Obviously my promise to her is loyalty cuz that’s the most important thing to her. So for me, first and foremost is loyalty and respect. But at the most part we’re having so much fun.”

Well, happy for you, Jake! Finally naging girlfriend mo na ang iyong crush na beauty queen, si Rabiya.

***

Ang Pinoy Pop (P-Pop) ay patuloy na sumisigla at lumalawak hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa international stage.

Sa gitna ng dumaraming talentong nagdadala ng sariling atin, isang grupo ang humahatak ng pansin dahil sa kanilang angking galing sa pagkanta at pagsayaw—ang P-Pop boy group na BILIB.

Binubuo nina Rafael, Zio, Clyde, J Mac, Carlo, at RC, ang grupo ay patuloy na nagpapatunay ng kanilang husay sa industriya. Sa kasalukuyan, sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng AQ Prime Music.

Nakaka-bilib ang members ng P-pop boy group na BILIB! Sila lang naman ang kauna-unahang P-pop boy group na nag-perform sa Waterbomb Manila Festival. Bukod dito, nominado rin bilang Dance Recording of the Year ang kanilang kantang “Say Whatcha Wanna Say” sa 17th PMPC Star Awards for Music ngayong darating na June 25.

Gumawa ng kasaysayan ang BILIB nang sila ay imbitahan na magtanghal sa prestihiyosong Waterbomb Manila Festival, kung saan sila ang tanging P-Pop boy group na nakasama sa star-studded na line-up ng mga international at K-pop artists.

Kinilala rin ang P-Pop boy group na BILIB sa
kanilang dedikasyon sa musika, kung saan sila ay ginawaran ng Outstanding P-Pop Group of the Year sa The Golden Pillar Awards at Global Breakthrough Male Group Award.

Sa naging panayam kina Rafael, Zio, Clyde, J Mac, Carlo, at RC, natanong sila kung sino ang pangarap nilang makasama sa isang concert. Swak sa panlasa ng karamihan na makaduet si Sarah Geronimo. Kung pelikula naman ang pag-uusapan, halos lahat sila ay si Kathryn Bernardo ang gustong maging leading lady.

***

Ang singer-songwriter na si Zéla super happy sa pagiging nominado sa 17th Star Awards for Music sa darating na June 25, 2026 bilang Female R&B Artist of the Year para sa kanta niyang Pogi Boy.

Si Zéla ay isang kilalang Pilipino-Amerikanong singer, songwriter, rapper, at dancer na gumagawa ng sariling pangalan sa mundo ng Pinoy Pop (P-pop).

Nakilala siya bilang kauna-unahang P-pop soloist ng AQ Prime Music.Ang Paglalakbay sa MusikaDebut. Opisyal siyang nag-debut noong Setyembre 2023 sa pamamagitan ng kanyang single na “Karma”.

Ilang buwan pagkatapos nito, ginawaran siya bilang Philippine Pop Top New Artist Of The Year.

Sinundan niya ito ng kanyang ikalawang single na “Pogi Boy” at inilabas ang kantang “01/01” bilang regalo sa kanyang mga tagahanga sa kanyang kaarawan.

Gumawa siya ng kasaysayan nang siya ang nag-iisang P-pop soloist act na nagtanghal sa unang Waterbomb Festival sa Manila noong Pebrero 2025, kung saan nakasama niya ang P-pop boy group na BILIB.

Simple lang ang inspirasyon ni Zéla ang pagtataguyod ng Self-love.

Sa panayam ay inamin ni Zéla na siya ay miyembro ng NBSB (No Boyfriend Since Birth). Ganun pa man ay handa pa rin syang magmahal kung makakita siya ng lalaking marespeto at mabait.