Advertisers
By ARCHIE LIAO
Malaking hamon para kay Inigo Pascual ang kanyang role sa pelikulang “Drags To Riches” na handog ng Cornerstone Studios.
First time kasi niyang sumabak sa isang all out comedy.
“Sobrang nakakakaba. This is my first comedy film. Iyong Elenya L kasi ay may pagka-romcom.Ito talaga, kabadong-kabado ako kasi it’s out of my comfort zone, “lahad niya.
Bagamat pamilyar na siya sa kanyang co-stars na sina Christian Bables at Elijah Canlas, never pa raw naman silang nagkasanib-puwersa sa isang proyekto.
“Si Bables dati ko na siyang kaklase sa workshop. Of course, si Elijah, he’s one of my friends in showbiz and outside of showbiz.Dami rin naming kulitan talaga.Tapos kasama rin namin iyong mga drag.Nakakatuwa na makita iyong passion nila(sa work) “kuwento niya.”Para sa akin, in-enjoy lang namin iyong proseso. Nandoon iyong kaba. May moments din kami ni Elijah after the shoot na noong nagde-debriefing kami, nag-a-ask kami, nakakatawa ba tayo,” dugtong niya.
Aminado rin siyang nahirapan siya sa comedy lalo na’t may ginagawa siyang TV drama series na “The Good Doctor.”
“It’s something I did na out of my comfort zone. Mahirap magpilit ng tawa lalo na kung kaeksena mo ay isang Benjie Paras,” hirit niya.
Nagkaroon din daw siya ng konting difficult in shifting from drama to comedy.
“Pa-bipolar na nga,”pagbibiro niya.
Aminado naman siyang natakot siya nang makaeksena niya si Christian na sanay na sa pagpapatawa.
“Grabe si Christian.Nakakatakot siyang kaeksena. Minsan sa set, nag-aadlib iyan. Kami ni Elijah, magpapanic na kami lalo na’t hindi niya sasabihin sa amin ang plano niya.Di namin alam kung paano kami magrereact pero masaya lang talaga.I guess you really have to work with your co-actor and react kung anuman ang sinasabi niya, “bulalas niya.”Iyong timing din sa pagbibitaw ng punchlines, natutunan ko sa kanya,”pahabol niya.
Proud din siya na nagkaroon siya ng pagkakataong makatrabaho ang dalawang award-winning actors.
“It’s a honor to work with them.Ang gagaling nila at aminado akong marami akong natutunan sa kanila.I get to learn new things,”esplika niya.
Masaya rin si Inigo na sa kabila ng kanyang busy schedule ay napagsasabay niya ang singing at acting.
Katunayan, isang malaking tagumpay ang series of shows nila ng amang si Piolo Pascual abroad noong Marso at Mayo.
“Kababalik lang namin from Australia. We did also a couple of shows sa US. For the first time, magkakaroon kami ng European tour.It’s exciting kasi we get to travel to different countries,”pagbibida niya.
Dahil aktibo na muli siya sa kanyang first love, nananatiling musika raw ang kanyang prayoridad
“I feel like after a long time, I’m getting back to my roots.Music is my priority. I always love music ever since I was a kid.Kahit umarte ako ngayon, I always find myself going back to my music, ” esplika niya.
Aside from performing with his dad, wish din daw niya na makasama ito sa isang acting project.
“It’s something that I’ve spoken to my Dad. Perhaps a story about people who love the same girl. Father and son.Parang ang cool lang ng concept.Wala pa namang nasusulat. But, who knows?,”sey niya.
Kung matutupad daw ang pangarap niyang iyon ay sobra siyang matutuwa at kakabahan.
“Lagi naman akong kinakabahan kapag si Papa ang kasama ko,” pagwawakas niya.
Mula sa direksyon ni Victor Villanueva (Patay Na Si Hesus, Kusina King, Boy Bastos, I Am Not Big Bird) tampok din sa “Drags To Riches” sina K Brosas, Benjie Paras, Kobe Francisco, Pau Dimaranan, Marco Navarra, Eli Padilla, Moi Bien, Marco Dubs, Deja, Mrs.Tan, Feyvah Fatale at Adam Domingo.
Ang riot na pelikula ng taon ay palabas na sa lahat ng SM Cinemas simula sa Hunyo 24.