Advertisers

Advertisers

CASSY ITINANGGI BF NA AFAM

0 4

Advertisers

By Beth Gelena

Usap-usapan na nakita umano si Cassy Legaspi na may kasamang AFAM habang nagbabakasyon sa Siargao.

Dahil dito, kumalat ang espekulasyon na boyfriend niya ang naturang lalaki.

Agad naman itong pinabulaanan ng anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel.

Aniya, wala siyang karelasyon na foreigner na nakitang kasama sa Siargao.

Esplika ng Kapuso aktres, ang lalaking na-video at na-picture-an kasama ay kaibigan lamang niya. Nasa Siargao raw siya para magbakasyon at libutin ang mga tourist spots doon.

Kuwento pa niya, hindi niya namalayang may kumuha ng video at larawan habang magkasama sila ng kaibigan niyang dayuhan sa may Malinao Bridge.

Paglilinaw ng aktres, “Friend ko lang siya.”

Kinumpirma rin niya na single siya sa kasalukuyan.

Kaya ang mga kumalat na tsismis na may bagong “afam” boyfriend si Cassy ay hindi kumpirmado at mismong ang aktres na ang nagsabing magkaibigan lamang sila.