Advertisers

Advertisers

LETTER TO THE EDITOR

0 10

Advertisers

SA aking pagbabasa ng mga pang araw-araw na mga peryodiko, natunghayan ko ang isang ‘Letter to the Editor” na ipinadala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pahayagang Philippine Daily Inquirer (PDI).

Ang sumulat sa PDI ay itong si Usec. Ernesto Torres Jr., Executive Director ng NTF-ELCAC na nais magbigay ng posisyon ng task force sa PDI editorial noong Mayo 29 na may pamagat na “A Timely Call to End Red-Tagging.”

Idinidiin ni Torres sa PDI, na simula pa lang ng pakikipagsabayan ng pamahalaan sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, hindi nito ginawang polisiya ang ‘red-tagging’, at ang nanging ‘focus’ ng pamahalaan ay labanan ang mapanglinlang na pamamaraan ng mga NPA sa pangrerecruit nito sa ating mga kababayan.

Ang ganitong mga diskarte raw ay di maituturing na red-tagging. Subalit ang paglalabas ng mga ebidensiya na nag-uugnay ng mga organisasyon ay di panggigipit kung di paglalahad ng katotohanan.

Ang inilathalang editorial ng Inquirer ayon kay Torres nagsasabing marami na ang nabiktima ng red-tagging, pero di niyo tinalakay ang patuloy na pagpatay ng NPA sa tinatawag na spy-tagging kung saan kanilang pinapatay ang mga hinihinala nilang nakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

Mula nga noong 2021 hanggang May 2026, 59 na ang nadokumentong pagpatay ng NPA dahil sa spy-tagging. 51 sa mga ito ay sa Negros Island lamang. Kasama rito si Leonora Anguita, isang 74-year-old, barangay tanod na si Efren Solinap, magsasakang si Jemar Mahusay, at ang dating rebeldeng si Joseph Agustin.

Tinalakay din ng editorial ang enkwentro noong April 19 sa Toboso kung saan apat na sibilyan daw ang napaslang. Ang sabi ni Torres agad nilang tinawagan ang Commission on Human Rights para maimbestigahan kung may paglabag nga ba sa karapatang pangtao sa enkwentrong iyon.

Mahaba ang editoryal na iyon ng Inquirer at para kay Torres, sana ay tinalakay nang maayos ang mga isyu, dahil di nakunsulta marahil ang NTF-ELCAC nang isulat ang pitak na iyon, dahil nang mabasa ko rin iyon ay nakulangan ako, parang mas may kiling sa mga rebelde ang pagkakasulat.

Sana, maglabas din ng editoryal ang Inquirer hinggil sa ginagawa at pagsisikap ng NTF-ELCAC na labanan ang CPP-NPA-NDF.