Advertisers

Advertisers

BAMBOL MAGIC HANGGANG NAGOYA-AICHI ASIAD AND BEYOND

0 3

Advertisers

OPTIMISTIKO si Philippine Olympic Committee president (Cong.) Abraham ‘ Bambol’ Tolentino na malalagpasan ng Team Philippines ang medal haul at golden performance nito sa Hangzhou, China apat na taon na ang nakaraan pagsabak ng ating mga modernong bayaning Pinoy sa parating na Nagoya-Aichi 20th Asian Games.

Kahapon ay lumobo pa ang bilang ng nag-qualify na atletang Pinoy para sa Asiad (Setyembre 19 hanggang Oktubre 4) tampok ang 6 na modern pentathlon athletes natin bukod pa sa 2 poomsae at kyorugi athletes sa taekwondo.

“That’s another good news for our campaign.The opportunities to do better in Nagoya and Aichi continues to go wider”, wika ni Bambol na binansagang ‘ lucky charm’ ng Pilipinas mula nang pamunuan niya ang POC.

Ang Team Philippines ay umani ng 4 golds, 2 silvers at 12 bronze medals sa Hangzhou sa pangunguna nina Olympic medalist Carlos Yulo at pambatong pole vaulter sa athletics na si EJ Obiena.

“We’re hoping that more of our athletes will qualify for the Asian Games where the competitions have gotten close to the level of Olympics, “ ani pa Tolentino.

Isa pa sa welcome development ay ang qualification ng men & women teams sa indoor volleyball.

‘Yan si BAMBOL, mula nang siya na ang may timon sa POC ay wala nang puknat ang tagumpay ng Team Philippines dahil inspirado ang ating mga atleta sa kalinga at liderato ni Cong. BAMBOL. PILIPINAS… MABUHAY!

***

SI SIKARAN MANTAS CRISANTO CUEVAS ANG PREXY NG TCIA

INIHALAL bilang bagong Pangulo ng prestihiyosong samahan ng mga pinagpipitagang Pinoy sa Estados Unidos si Tanay Raven Sikaran Mantas Crisanto Cuevas sa election of officers ng Tanay Club in America nitong nakaraang weekend sa Bay Area.

Naging mahigpitan ang labanan sa pampanguluhan nina Cuevas at karibal nitong si Garry Sacramento 120-104.

Vice Presidents sina Ronnie Cruz, Bismarck Bati at John Garcia.

Secretary si Mary Grace Codilla, Treasurer si Marvin Fernando, Treasurer A. si Criselda de Padua at Auditor si Ziza Cruz.

Sargeant at Arms sina Omar Dikitanan st Arnaldo Catolos habang Board of Directors naman sina Kat Amonoy Cipraso, Alvin Bautista, Neri Balladares, Bicky Thomas, Noter Cometa, Gigi Castro, Gabriel Piguing, Kevin Cuevas at Cely Penaranda.

Pugay sa bagong hanay ng TCIA officers. One Heart, One Family, One Tanayans HANE!

“Maraming salamat Ka-Tanayan dito sa Bay Area at sa ibang lugar. Pasisiglahin po natin ang Tanayans at lahat ng plataporma ay aming ipatutupad. welcome po ang inyong suhestyon,magtulungan po tayo para sa pagsulong ng TCIA,” wika ni Mantas Cuevas.