Advertisers

Advertisers

Sports arena owner, caretaker arestado sa basketball sa Pasig

0 388

Advertisers

DINAKIP ng pulisya ang may-ari at caretaker ng sports arena sa Pasig City matapos mahuli ang pagpapalaro rito ng basketball, isa sa mga ipinagbabawal ng gobyerno ngayong may pandemya ng Covid-19.

Pinauwi naman ng pulisya ang may 21 manlalaro matapos isalang sa Antigen test para sa Covid-19.

Kinilala ni Police Colonel Roman Arugay, hepe ng Pasig City PNP, ang mga kinasuhan na sina Albert Dy, may-ari ng Metro Asea Arena; at caretaker na si Elmer Mendoza, 45 anyos, ng AV Cruz St., Barangay Kalawaan sa lungsod.



Nabatid na 8:00 ng gabi nitong Linggo nang lusubin ng mga awtoridad ang Metro Asea Sports Arena sa Elisco Road, Brgy. Kalawaan matapos makatanggap ng sumbong mula sa concerned citizen na may nagaganap na laro sa lugar.

Sinabi ni Arugay na isang direktang pagsuway sa Executive Order PCG-66 ang operasyon ng sports arean dahil kasalukuyang nasa Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) pa ang Metro Manila.(Edwin Moreno)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">