Advertisers

Advertisers

13 magkakamag-anak na tulak huli sa P4m shabu sa Cavite

0 324

Advertisers

NADAKMA ang 13 magkakamag-anak na mga bigtime na tulak ng droga at nakuhanan ng P4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation, na nauwi sa umaatikabong habulan sa Dasmariñas City at umabot hanggang sa Silang, Cavite, Sabado ng hapon.

Kinilala ang mga nadakip na sina Minor Andrada Hamid alias “Abdul”, 26 anyos, ng Del Pilar, Brgy. 4, Calamba City, Laguna; Abdullah Dida-Agun; Naif Dida-agun; Justine Dida-agun; Nas Murun; Nel Ampuan; Jiovane Acraman; Jobainah Acraman; Sittienor Acramam; Nayla Hadgi; Johan Acraman; Sohaima Murun, at Anowar Magtortor Magdara, pawang nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City.

Sa ulat, 5:30 ng hapon nang maganap ang drug deal sa Brgy. Paliparan 1. Habang nagaganap ang transaksyon ay nakatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang kausap na buyer kaya’t mabilis silang tumakas lulan ng tatlong sasakyan, kaya nauwi sa habulan na umabot ng may mahigit sa kalahating oras. Nasukol ang mga suspek nang dumiretso at magtago sa bahay ng isa nilang kamag-anak sa may Lavander St., Kohana Grove, Brgy. Sabutan, Silang.



Hindi na nakuhang makatakas ng mga suspek matapos silang paligiran ng mga operatiba ng Special Operations Unit-4A, PNP-Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-PRO-4A at Cavite Police.

Nakuha sa mga suspek ang mahigit sa 600 gramo ng shabu na aabot sa halagang P4,080,000.00.



Nakumpiska sa operasyon ang isang SUV na itim na Toyota Fortuner (NAK 527), pulang Ford Ranger Raptor na may conductionsticker C3 S891 at silver Honda Civic (ZNG 402) na sinakyan ng mga suspek, 9 cellphones, boodle money na nagkakahalaga ng P150,000.00 at mga ID ng mga nadakip.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">