Advertisers
PERSONAL at walang takot na sinubukan ni Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang isa sa bagong 32 units ng Black Hawk Helicopters ng Armed Forces of the Philippines (AFP)-Philippine Airforce kahapon.
“Nais nating personal na malaman kung ito ay sulit o epektibo. At sa aking naging eksperyensa, sulit ang naging AFP Modernization Program na pinondohan sa 18th Congress,” pahayag ni Romero.
Ang nasabing inspeksyon ay parte ng demo na mga units upang masigurado ang quality ng mga ito. Kasama si Romero, ang mga ito ay pinondohan ng mga mambabatas para sa pagpapalakas ng hukbong sandatahan ng Pilipinas.
Namataan din na sumubok ng Sniper Riffle sa PAF Campsite, Crow Valley, Capas, Tarlac si Romero kung saan ito ay hinangaan sa galing. Si Romero ay isa sa shooting champion ng bansa sa larangan ng pampalakasan.
“Ang 1Pacman Party-list po ay laging prayoridad ang bansa at bawat kapwa Pilipino. Makakaasa po kayo sa patuloy na pagtutok natin sa ekonomiya, edukasyon at sports,” pagtatapos ng mambabatas na nananatiling pinaka-mayamang kongresista sa bansa.