Advertisers

Advertisers

2 Party-List group umalma sa denial ng Comelec

0 243

Advertisers

NAGKILOS-PROTESTA nitong Lunes ang dalawang party-list groups sa harap ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila dahil sa denial ng Comelec sa kanilang accreditation para sa 2022 national at local elections.

Kabilang sa mga nagpoprotestang grupo ay ang Nurses United Party-list at Guardians Party-list.

Ang mga grupong ito ay kabilang sa 107 na party-list groups na ang motion for reconsideration ay ibinasura ng poll body base sa resolution na kanilang inilabas noong Disyembre 1.



Bilang bahagi ng kanilang protesta, binato ng kamatis ng mga miyembro ng Nurses United Party-list ang logo ng Comelec.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng first nominee ng Guardians Party-list na si Melvin Cuntapay na maghahain sila ng status quo ante order at petition for certiorari sa Korte Suprema para kuwestiyunin ang pagbasura ng Comelec sa kanilang accreditation.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na mayroong mahigit 160 na party-list groups ang accredited ng poll body para makibahagi sa halalan sa susunod na taon.

Ipinaliwanag niya na ang dahilan sa denial sa accreditation ng ilang mga party-list groups ay dahil sa non-compliance sa mga requirements na hinihingi ng Comelec at issues din sa representation.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">